LEARNING SISON
To kickstart the year long discussion on the writings and lectures of Professor Jose Maria Sison entitled Learning Sison, Jonathan Geronimo, ACT Vice Chairperson, welcomes all the participants.
Magandang hapon mga kasamang guro, estudyante at kawani sa edukasyon, mainit namin kayong tinatanggap sa paglulunsad ng proyektong Learning Sison na kapwa itinataguyod ng ACT Private Schools at pambansang opisina ng ACT Philippines.
Inilulunsad natin ngayong araw ang buwanang talakayan/webinar bilang pagkilala sa mahahalagang ambag ni Prof. Jose Maria Sison sa kilusang guro, siyang naging mahalagang gabay, tanglaw at inspirasyon na ipagpatuloy ang ningas ng pagmamahal sa bayan at pangarap para sa isang mabuting lipunan at mapagkalingang daigdig para sa lahat.
Kinikilala natin ang mga nasimulan ni Prof. Joma bilang gurong gabay natin sa wastong pagsusuri sa mga isyu at kalagayan sa sektor ng edukasyon na hindi tiwalag sa kabuuang panlipunang katangian ng sistemang malapyudal at malakolonyal. Isinasabalikat natin ang kanyang mga payo at hamon bilang gurong tanglaw sa puspusang pagmumulat at pag-oorganisa para makamit ang matatag na pagkakaisa upang ipagtagumpay ang mga makatwirang panawagan sa sahod, trabaho, at karapatan. At ipagpapatuloy natin ang rebolusyonaryong diwa na kapwa pinagsasaluhan para maghahawan ng landas tungong kolektibong aspirasyon sa isang lipunang malaya sa pang-aapi at pagsasamantala. Inaasahang bubuksan sa buwanang session ng Learning Sison, hindi lamang ang pagkilala, paggunita at pagbabalik-aral sa mga sulatin at ideya ng isang dakilang guro, tinatangka rin sa bawat pagtatagpo natin ang na tumugon at sumailalim sa tinatawag na proseso ng “reedukasyon mula sa lumang kaayusan,” aniya: “Teachers educated in the old way should themselves reeducated. The process of their education will accelerate as the political situation consistenly develops in favor of the revolutionary masses.” Mula dito, patuloy tayong hinahamon ni Teacher/Prof. Joma, i-upgrade ang ating pagtuturo, lumabas at tahakin ang daan ng aktuwal na pagsisilbi sa masang api at pinagsasamantalahan. Makatwirang tahakin bilang mga makabayang guro gaya natin na tahakin at ipagpatuloy ang landas na tinahak ng kagurong Joma, na hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay ay pinaghawakan ang paninindigang hindi sapat na maging gurong makabayan lamang sa loob ng ating mga paaralan kundi hamon na kumilos at makibaka para baguhin ang mundo. Tara na, sama-samang matuto sa Learning Sison, magkakasamang magtalakayan, magmuni, magsuri sa iba’t ibang karanasan at ilapat sa aktuwal na praktika ng pagkilos/pakikibaka para mag-ambag sa panlipunang pagbabago.
Sagutin natin sa bawat sesyon ang mga hamon at tanong kung ano ang tunay na papel at adhikain ng ating edukasyon, at anong magagawa natin bilang mga guro, gaya ng tugon sa isang popular na slogan ng mga organisasyong pangguro sa Amerika Latina ang “¡El maestro, luchando, también está enseñando!” o “Ang gurong nakikibaka ay nagtuturo rin!” Matuto mula sa pakikibaka, at makibaka para sa edukasyong malaya at mapagpalaya.
Some of the lecture slides presented by Professor Gerry Lanuza.
Educators are reminded that Teachers as Public Intellectuals are not neutral and objective spectators of history.
In order to move the people to obtain certain results by their collective action, one must first determine their motives based in their concrete conditions and class interests. It is necessary for the Second Propaganda Movement to learn from the masses their conditions, problems, interests and aspirations before it dares teach them what to do.
We encourage all educators to join us on our next Learning Sison lecture!